Updates && Shisha ♥

'Di na 'ko nakapag-edit nung last entry ko. x_x Gomen nasai~ Ayun maraming updates sa site kasi kelangan sa subject. Haha x) Btw, I tried to apply at BlogtoProfit but my site is rejected. D: About school, sobrang busy kaya 'di na 'ko masyado makapagblog. Wala pa kasi yung promise ng lolo ko na laptop. badtrip! kaya ayun. hai~

About site updates... I've added a Gallery on my site. It's on the About section, the third link. :) Next, you can now comment on the contents here other than my blog entries. Hmm.. What else. >>; Added a "Back" link. You go back to the previous page when you click it. Sir Ribo, it uses javascript, btw. And also, praline.toffeenut.org is composed of fifteen (15) pages. So...yeah. :D I'm also planning to change this cute pink layout. I want a black layout next. And..many complains about the small font I used in this layout. So, I'm gonna go back to my 8pt Tahoma in the next layout. :)

Hmm who loves shisha? :D Namiss ko siya sobra! Twice ko pa lang nakapag-shisha kahapon, click for the pictures. Sa Dahab yan sa Dasma. Yun first shisha ko grapes, second grapes na naman! x_x Wala na kasing ibang flavor. Sayang. x)

Eight

August na. :] Made some changes in the site. Edit later, blog hop muna 'ko. ♥

Untitled

My deepest apology for not posting since the 7th of June. :/ Sobrang naging busy; namatay si Nanay and gusto ko palagi ako andun sa burol niya; mga 10PM na siguro pinaka-maaga kong uwi nun. And, prelims exam namin last week. Nailibing na si Nanay at sobrang miss na miss ko na siya. :( I still cry whenever I think of her. *sigh* Gusto ko nga na bisitahin niya ko sa panaginip, kaso wala, eh. :[

     "Nay, sorry sa lahat ng kasalanan ko sa inyo. Sorry po talaga. Sana happy na kayo ngayon kasi parang puro problema nabibigay ng family niyo sa inyo nung buhay pa kayo. ;; Mamimiss namin kayo at sobrang mahal na mahal ko kayo, Nay. ♥"
                                                          

Hai~ Andaming problema ngayon; family, friends, boyfriend, school..name them! ;-; Kahapon pa, Recollection dapat namin. Na-late kami ni Harold kaya sinalubong namin yung bus sa Gate3, amp! Nasa harap na namin yung pinto ng bus, ayaw pa kami pasakayin. Bawal na daw kasi late na kami. Samantalang dati pwede naman yun. May bayad na kasi ngayon pag magpapa-resched ng reco, e. Mukhang pera ang La Salle! amp x( Ayun tumambay na lang kami sa school, at nagpicture-picture. Share ko lang yung iba. :] ♥

Nanay

Nagising ako kaninang 12:50 am dahil nag-ring ang phone. Pagka-sagot ko, si aunte, umiiyak at hinahanap si daddy. Nagtaka ako bakit siya umiiyak kaya tinanong ko kung ano nangyari. "Si nanay, inatake sa puso. Wala na siya." Dx

Si nanay ang mother nila daddy, so lola ko sa father's side. 72-years old na siya at sobrang bait niya. Promise. Since birth hanggang nung Thursday bago siya umuwi sa probinsya kung saan siya inatake, ay kasama ko na siya. Siya din nagpalaki sa'min ng mga kapatid ko nung maliliit pa kami. Sobrang close ako kay nanay at sobrang mahal na mahal ko siya. ♥ I don't want to believe na wala na siya. D:

Stressed!

Sobrang nakaka-stress mag-aral! D: Everyday routine is tiring and stressful--wake up, go to school, go home, do homework, study, sleep..wake up, go to school, and so it goes the same everyday! Heck, I rarely have time for breakfast and dinner! ;; *sigh* I want to start and try to install WP but I still haven't made a new layout yet. Haha! Papalit agad ng layout, eh, noh? Gusto ko kasi ng pink na pixel layout! :] May nasimulan na 'ko pero wala pa nga siya sa kalahati. And, hindi ko pa mapag-eksperimentuhan 'tong site sa WP kasi hindi pa ata nache-check ni Sir Ribo. x) Yesterday, he was s'pose to check our sites but because all the computers in the lab are currently offline at the moment, he told us to write down our site URL on a piece of paper and pass it to him so he can check the sites on his own PC (at home?). Haha!

Pero kahit parang bibigay na ang katawan ko sa stress at pagod, masaya naman ako kahit papano dahil ok na ok na ok (uyy, tatlong ok yun! xD;) ang studies ko! Matataas naman ang exams ko! :] Out of 100% items sa mga exam namin this semester SO FAR ay hindi pa ata nalagpas ng 20% items ang mga mistakes ko. At ok naman din ang performance ko sa class! Hindi pa 'ko sinumpong ng sakit ko sa pag-cutting classes! Hurray me! x) Noong last sem kasi sobrang parati akong nagcu-cut ng class with Harold ♥. x)

Anyway, dahil nga sa sobrang busy sa school at sobrang gabi na rin ako nakakauwi, ay inawitan ko ang pinakamamahal kong lolo. Ininsist ko na bilihan niya na 'ko ng laptop! x) Naman! My course is BS Information Technology! Kelangan ko ng laptop! x) Titingin DAW kami bukas at magwawala ako sa mall na parang 5-year old kid na may tantrum pag hindi niya ko binilihan. lol. xD

Unfair!

I don't like what our professor wants us to do if we're late in his class. Students who are late in his class should either dance or sing, if she/he won't, he/she's absent for that certain period--which isn't right! According to our Student Handbook Sec. 07, if our class is 1.5 hours, and we came in 25mins. after the class has started, therefore, we are absent. For a 2 hours class, we have 30mins. and 45mins. for a 3 hours class.

The reason why I'm ranting over this matter is because this afternoon, on our Internet and Web Application class which is from 1530 to 1730 (a 2 hours class)-- LATE AKO! ><; And because I won't sing nor dance in front of the room, my professor marked me absent! Pinapili ako, sing/dance o absent daw ako. 'Di naman ako uto-uto para mag-mukhang kengkoy sa harap kasi pumasok ako para matuto, hindi magbigay kasiyahan sa mga kaklase ko. At kung bakit naman ako nalate nang wala pa atang 5mins. ay may katanggaptanggap naman akong rason para doon na hindi ko na sasabihin dito. Haha! Honestly, hind tama yun patakaran na yun. At kung bakit naman big deal sa'kin yung nag-iisang absent na yun (kahit pumasok ako sa klase) ay dahil we are only allowed to have 11 absences, at pag lumagpas, we'll have a grade of 0.00 for our course due to excessive absences! x(

Hnn. Ok, for now I'll let it pass, nilabas ko lang dito ang sama ng loob ko. Pero pag dumating sa point na ma-excessive absences ako nang dahil lang sa hindi ko pagsayaw or pagkanta, I'll bring my mom with me at magrereklamo na kami sa SWAFO! >) Har Har Har! What does SWAFO stands for? Hmm.. I can't remember pero para silang mga pulis sa University namin. x)

Actually mababasa ng prof namin to kasi iche-check niya 'to sa Thursday, eh! Haha! Sige nga, sabihin niyo sa prof ko pag nag-comment kayo na mali ang patakaran niya dahil talaga naman na mali at argh! x) Peace tayo, Sir Ribo! :D Pero sana tanggalin niyo yung 1 absent ko sa record niyo kasi talagang hindi katanggaptanggap yun. D: